👤

____11.Bakit binibigyan ng sapat na inpormasyon at pag-unawa ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib?
A.Upang matukoy ng pamahalaan ang tulong at suporta sa mga mamamayan. B.Upang maiwasan ang biilang ng mga nasalanta ng sakuna.
C.Upang maihanda ang mga mamamayan sa mga posibleng epekto ng kalamidad.
D.Upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad.

____12.Paano ka makatutulong sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa disaster preparedness?
A.Sa pamamagitan ng paglahok sa pagpupulong sa barangay.
B.Sa pamamagitan ng pakikinig ng radio at panonood ng TV tuwing may kalamidad.
C.Sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kaligtasan ng mga nasalanta.
D.Sa pamamagitan ng pagbibigay inpormasyon gaya ng poster, tarpaulin at iba pa.

____13.Ano ang una mong dapat gawin kapag may paparating na bagyo? A.Patibayin ang inyong bahay.
B.Makinig sa radio o TV para malaman ang detalye ng bagyo.
C.Pumunta sa malapit na evacuation center.
D.Maghanda ng emergency kit at mga pagkaing daling lutuin.

____14.Kung ikaw at ang pamilya mo ay nakatira sa mababang lugar, ano ang pinakamainam na gawin kapag may bagyo?
A.Agad lumikas sa ligtas at mataas na lugar.
C.Huwag payagang pumalaot ang mga mangingisda.
B.Manood ng TV para malaman ang detalye ng bagyo.
D.Maghanda ng emergency kit at life vest.

____15.Kung ikaw ay nasa sa bahay, ano ang dapat gawing paghahanda bago pa man lumindol?
A.Palaging ihanda nag kagamitang pang-emergency tulad ng flashlight, whistle, first aid at iba pa.
B.Huwag magpanic at lumabas pa ng bahay.
C.Hikayatin ang pamunuan ng paaralan na magkaroon ng disaster program at regular earthquake drills.
D.Maging handa para sa mga panghuling pagyanig o aftershocks.

____16.Ano ang dapat gawin habang lumilindol?
A.Lumabas ng bahay at pumunta sa evacuation center.
B.Pulungin ang iyong pamilya at lumikas sa mataas ng lugar.
C.Alamin ang kinalalagyan ng main switch ng kuryente.
D.Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagtago sa mesa o istrukturang tulad nito.

____17.Bakit kailangang sundin ang mga paghahandang gagawin tuwing may sakuna o kalamidad?
A.Para maiwasan ang malakihang pinsala dulot ng sakuna.
B.Para maligtas natin ang ating buhay. C.Para sa ikakabuti ng ating lipunan. D.Para mapangalagaan ang ating kalusugan at pangkabuhayan.

____18.Bakit mahalagang mapaghandaan ang pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran?
A Upang makatipid sa maaaring magastos ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.
B.Upang walang mangyayaring sakuna o kalamidad.
C.Upang maiwasan ang malawakang pinsalang maaaring maidulot ng mga ito. D.Upang walang sinuman ang maapektuhan ng mga sakunang dulot ng kalikasan.

____19.Kailan dapat isinasagawa ang paghahanda para sa isang sakuna o kalamidad?
A.Bago mangyari ang sakuna o kalamidad.
B.Habang nangyayari na ang sakuna o kalamidad.
C.Pagkatapos ng sakuna o kalamidad. D.Bago, habang at pagkatapos ng sakuna o kalamidad.

____20.Sa aling sitwasyon higit na naipapakita ang maiging paghahanda sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran? A.Si Rino ay palaging nanonood ng balita tungkol sa pananalasa ng kalamidad. B.Ang buong mag-anak ni Mang Reuben ay naghahanda ng mga gamit at pagkain sakaling kakailanganin nilang lumikas. C.Nag-panic buying si Amina ng pagkain bilang paghahanda sa darating na bagyo. D.Wala sa nabanggit.​