11. I LEARNING COMPETENCY: Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon. GAWAIN 1. Sagutan ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik na may tamang sagot. 1. Ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay pinangangambahan na magdulot ng ibayong problema sa bansa. Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa? A. Mas dadami ang manggagawang Pilipino. B. Mas lalala ang kahirapan at negatibong epekto sa kalikasan. C. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao. D. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho. 2. Alin sa sumusunod na bansa ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig? A. Pilipinas B. Malaysia C. China D. Pakistan 3. Ito ay ang tawag sa mabilis at biglang palaki g populasyon. a. Literacy Rate b. Population Explosion c. Literacy Rate d. Populasyon 4. Anong yaman ang pinakamahalagang elemento ng lipunan? a. yamang likas b. Anyong Tubig c. Yamang tao d. Populasyon 5. Ito ang nagsisislbing batayan ng mga programang kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan a. yamang likas b. Anyong Tubig c. Yamang tao d. Populasyon