👤

kailan mo masasabi na ginamit ng tao ang tamang isip at kilos loob ipaliwanag at magbigay ng halimbawa​

Sagot :

Answer:Halimbawa ng sitwasyon na ginamit ang isip at kilos-loob

Pipili ka ng tamang kurso na gusto mong kuhain sa kolehiyo at ang tamang propesyon na gusto mo sa hinaharap.

Kailangan ng pagpapasiya at pagpaplano ang pagbuo ng isang pamilya, kailangan tama ang iyong magiging desisyon at pasya kung handang handa ka ng magkaroon ng sarili mong pamilya, dahil ang pagbubuo ng isang pamilya ay hindi madali, kailangan sigurado ka.

May pinagagawa sa iyo ang iyong boss na alam mo sa sarili mo na ito ay mali at masama ngunit ang kapalit nito kapag hindi mo ginawa ay matatanggal at maalis ka sa iyong trabaho.

May dumating na mas magandang oportunidad sa'yo na makapagtrabaho sa ibang bansa ngunit ikaw ay single parent at mahihiwalay ka sa iyong anak.

Marami ang tutol sa inyong pagmamahalan at gusto ng iyong mga magulang na hiwalayan mo ang taong mahal mo ngunit hindi mo kaya sapagkat mahal na mahal mo ito.

Gusto ng mga magulang mo ay ang kurso na hindi mo naman gusto at ang kapalit nito kapag hindi mo sinuod ay hindi ka makakapag-aral at hindi ka makakapagtapos ng kolehiyo.

Gamit ng Isip

Ang ating isip ang may kontrol sa ating buong katawan, ito ang may kakayahang magisip, magpasiya at magdesisyon para sa ating buhay kaugnay ng kilos loob, ang isip anggumagabay sa isang tao upang gumawa at kumilos ang isang tao tungo sa kabutihan.  

Ang ating isip ang kumokontrol sa lahat, sa lahat ng ating pagpapasiya at pagdedesisyon, ito ang gumagabay sa atin para magisip ng mga bagay kung ito ay tama at mali. Ito rin ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay. Mahalagang ang palaging pairalin at sundin ay ang ating isip dahil ito ang gagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapa-intindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin tungo sa paggawa ng kabutihan para sa ating kapwa.

Gamit ng Kilos-loob

Ang kilos loob ay tumutukoy sa kakayahan sa paggawa ng isang bagay o gawain na naayon at nais ng ating kaisipan. Ito ang nagpapasya o nagdedesisyon na gawin anuman ang ating naisin.  

Ang ating kilos loob ang may kakayahan at kapangyarihang pumili ng may laya sa kanyang mga kagustuhan ng walang sinumang naguutos o nagsasabi dito.  

Ang kilos loob ang gumagabay sa atin para magisip ng mga bagay at gawain kung ito ay tama at mali.  

Ang kilos loob ang ating ginagamit upang malawak nating maintindihan at malaman ang ating mga nagawang pasya at desisyon sa buhay.  

Ang kilos loob din ang gagabay sa atin sa mga tamang desisyong makakapagpasaya sa atin at makapagpapa-intindi sa atin na tama ang ating mga ginagawa at gagawin.  

Ginagamit natin ang ating isip at kilos loob upang magkaroon tayo ng kasiguraduhan na tama at angkop ang mga gagawin nating desisyon at aksyon sa pamamagitan ng masusuing pagsusuri at pagpapaiya upang hindi natin ito pagsisihan sa huli. Kailangang may disiplina at tiwala tayo sa ating sarili upang masigurado natin na tama ang ating ikikilos at gagawin. Isa pa, dapat marunong rin tayong magkontrol ng ating mga emosyon at nararamdaman. Kaya bago natin gawin ang isang bagay dapat determinado tayo upang makatulong ito sa ating pag-unlad bilang isang tao.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:

Kahulugan ng Kilos-Loob: brainly.ph/question/899622, brainly.ph/question/1789523

#LetsStudy