👤

mga tao. 6. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na ang tao ay pantay-pantay? a. Lahat ay may kaniya-kaniyang angking kaalaman. b. Lahat ay dapat mayroong pag-aari. c. Lahat ay iisa ang mithiin. d. Likha ang lahat ng Diyos. 7. Bakit magkakaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan? a. Nakilala at sumikat ang mga taong umuunlad. b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao at may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa. . c. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa. d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan 8. "Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikakayaman." Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya. b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa. c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin. d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya. 9. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino? a. Pantay na pagkakaloob ng yaman ng lahat ng tao b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao c. Angkop sa pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao 10. Bakit epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan? a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa. b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan. c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya. d. Hindi pantay-pantay ang mga tao ngunit may angkop para sa kanila.​