👤

talata tungkol sa computer​

Sagot :

Answer:

Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto ang Internet sa kabataan. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga kabataan, ang Internet lalo na, sa kanilang mga research papers, mga project at mga takdang aralin. Halos lahat na ng kailangan ng isang tao ay masasabi nating nasa Internet na o masasagot na sa Internet sa isang click lamang. Pero dahil sa pagiging kampante na nasa Internet naman lahat ang dapat kailanganin, tatamarin na ang mga kabataan na aralin ang kanilang mga leksyon. Hindi lahat ng mga information na nakapose sa Internet o hindi lahat ng mga nahahanap na source sa Internet ay reliable o mapagkakatiwalaan. May mga websites na akala mo tama iyong binibigay na impormasyon iyon pala kathang isip lamang o kaya ay hindi maikokonsiderang isang katotohanan dahil wala naman itong basehan. At ang iba naman na mga websites ay ginagamit upang makapangloko ng ibang tao upang perahan sila dahil sa sobrang hirap ng buhay ngayon.

Ang mga estudyante ngayon ay hindi lang pag aaral ang inaatupag sa ngayon kundi pati ang pag lalaro ng mga internet game, sino nga naman ang hindi maeenganyo sa napaka ganda at makukulay na character na ginagamit dito. hindi na nga maawat ang mga nag lalabasang ganitong games, pero ang dami ng mga bata ang sinira at naadik sa ganitong laro, kaylan ba nila maiintindihan na walang magandang epekto ang ganitong klaseng paraan ng pag nenegosyo. At ang nakakalungkot pa rito ay nakalimutan na at unti-unti ng nawawala ang mga tradisyon na laro ng ating lahi!katuland ng tumbang preso, tagu-taguaan, mata-mataya, takip-silim at marami pang iba. paano na ang mga susunod na henerasyon ng ating lahi, kung tuluyan ng mawawala ang ganitong klase ng laro. mganda ang epekto sa katawan kung ganitong klase ng laro ang kanilang kalalalakihan, mas magiging malakas at matalas ang kanilang isipan dahil sa ganitong klase ng laro.