Sagot :
Mahalaga ang growth rate dahil sinasabi nito sa iyo kung gaano lumalago ang isang asset, investment, portfolio o negosyo sa isang partikular na panahon at tinutulungan kang gumawa ng mga hula tungkol sa paglago sa hinaharap. Maaaring gamitin ang rate ng paglago upang kumatawan sa: Ang porsyento ng pagbabago sa kabuuang populasyon mula sa isang taon patungo sa isa pa.
Answer:
Ang growth rate ay ang bilang o bahagdan ng pagtaas ng populasyon na nakatira sa isang lugar o bansa.
Ito ay inaalam upang makapagplano ang gobyerno kung anong mga programa ang kanilang ipapatupad at kung ano ang epekto nito sa ekonomiya.
Dito din masusukat kung ilan ang dumagdag at bumawas sa populasyon ng isang bansa.
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG GROWTH RATE NG ISANG BANSA
1. Upang malaman ng pamahalaan ang kanyang yamang tao.
2. Upang makita kung ilan na ba ang paglalaanan ng pondo ng pamahalaan.
3. Upang makita kung gaano kabilis dumagdag o bumawas ang populasyon.
4. Upang makapagdesisyon ang pamahalaan ng mga proyekto at mga batas para sa populasyon.
Explanation: