Sagot :
Answer:
Kaygandang Pilipinas!
itong tula na ito ay tungkol sa Pilipinas na bansang pinagpala at kay ganda.
Sagana ang bansa sa likas na yaman,
Ang ginto at tanso ay nasa minahan,
Makakakuha rin, batong kumikinang
Sa gilid at gitna nitong kabundukan.
Magandang tanawin sa mga probinsiya,
Sa Luzon, Visayas at Mindanao nga,
Pumaitaas man o dakong ibaba,
Masisilayan mo’y tanawing may sigla.
Pagudpud sa Norte’y ipagmamalaki,
Ang mga turista ay mabibighani,
Itong Hundred Islands na nakawiwili,
Tiyak na ang lungkot, doon mapapawi.
Pumunta sa Baguio sa taas ng bundok,
Tiyak na kikilig sa lamig ng pook,
Sagada’t Banaue huwag mong ilimot
Sa mga bisita ay ating itampok.
Sa Boracay Island, tila paraiso,
Sa Cebu at Bohol, ikaw ay magtungo
At kung mapagod, huminga ng todo,
Kumain muna nga nitong halo-halo.
Humakbang ng konti, sa Mindanao namanItong
Huluga Caves sa s’yudad ng Cagayan,
Sa Davao naroon ang tayog ng bayan,
Ang Bundok ng Apo na nagmamayabang.
Mga mamamayan, kulay kayumanggi,
Sa tuwina’y galak, sa iyo’y babati,
May halakhak pa’t luksong mga ngiti
Mga Filipino’y lagi nang mabunyi.
Kung kakain man ay aanyayahan,
Ang sinumang tao sa hapag-kainan,
Anumang pagkain ay pagsasaluhan,
May tuwang susubo asin man ang ulam.
Kahit na mahirap ang mga gawain,
Sa dagat, sa lupa at mga bukirin,
Tiyak matatapos bago pa dumilim
Mga Filipino’y hindi man dadaing.
Ang bansa kong ito, bansang Pilipinas,
Na ang katangia’y may sigla ng gilas,
Sinumang sasakop at magmamataas,
Aking itataboy, hinga ma’y mautas.
Explanation:
sana makatulong