Sagot :
Answer:
Bilang isang myembro ng lipunan dapat marunong tayong magluklok ng isang mahusay na mamumuno sa ating bayan. Tulad na lamang ng sinasabi sa pahayag na ang husay ng isang pinuo ay nakasalalay sa mahusay na pangangatwiran. Ito ay isang patunay lamang na dapat ang isang namumumo ay kayang panindigan ang lahat ng kanyang platapormang inilatag sa panahon ng kanyang pangangampanya. Sapagkat kung hindi niya kayang tuparin ang lahat ng mga ito, pinatunayan din niyang wala siyang kahusayan para sa pwestong kanyang niluluklukan.