👤

Panuto: Bumuo ng kaisipan. Basahin ang isang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. STAY AT HOY sa STO Noong Mayo 4, 2020 nagbigay ng bagong kautusan ang pamahalaan na magpatuloy sa pananatili tirahan hanggang Mayo 31, 2020. Pinahihintulutan nito ang ilang mga negosyo na magbukas na dati pinatigil muna sa operasyon sa ilalim ng Kautusan noong Marso 31 at ang ilang mahahalagang aktibidad na pinayagang magpapatuloy katulad ng lumahok sa "mahahalagang aktibidad" o magtrabaho para sa isang "mahalagang negosyo" kung hindi kayo maaaring magtrabaho sa bahay. https://www.sccgov.org/sites covid19/Pages/public- health-orders-tl.aspx - Nangangahulugan ito na pinahihintulutan kayong umalis sa inyong bahay para sa mga tinukoy na kadahilanan - tulad ng tiyakin na mayroon kayong mga pangangailangan sa buhay tulad ng pagkuha ng pagkain at gamot, o magsagawa ng trabaho para sa isang mahalagang negosyo na hindi makumpleto sa bahay. Pinapayagang lumabas upang alagaan ang alagang hayop o mag-ehersisyo hangga't hindi magtitipon sa isang grupo at mapanatili ang hindi 9 bababa sa anim na talampakan na distansya sa pagitan ng ibang mga tao na hindi bahagi ng inyong pamilya o tirahan. Pinapayagan din ng bagong Kautusan ang"mga panlabas na negosyo upang buksan ang kanilang mga pasilidad sa publiko. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga katangiang nakikita sa sitwasyon na hawig sa isang lipunan? 2. Mula sa mga katangiang ito, maari bang ituring na isang lipunang pampolitika ang sitwasyong ito? Pangatwiranan. 3. Bakit mahalagang mayroong samahan at namumuno? Pangatwirana ang iyong sagot. 4. Paano magkakaroon ng katiwasayan sa isang pangkat o samahan? 5. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao na hindi niya kayang tugunan nang mag-isa? 6. Sino ang makatutulong sa kaniya upang ito ay tugunan? Sa paanong paraan? 7. Sa paanong paraan makakamit ng samahan ang kanilang mga layunin? Ano- ano ang mga bahaging gagampanan ng mga kasapi sa pagkamit nito?​