👤

kahalagahan ng heograpiya o kasaysayan​

Sagot :

Answer:

  • Mahalaga para sa mga mag-aaral na pag-aralan ang heograpiya. Ito ay magdadagdag sa atin ng kaalaman para mas maunawan natin ang ating daigdig. Isa pa, mahalang mapag-aralan natin ito dahil ang daigdig ang ating tahanan. Sa artikulong ito, ating aalamin kung ano ang ibig sabihin ng salitang ito at bibigyan pa natin ito ng mas malawak pang kahulugan.
  • Ang heohrapiya (Geography) ay hinuha sa dalawang salitang Griyego na “gaea” at “graphein”. Ang gaea ay nangangahulugang “lupa/daigdig” at ang ibig sabihin naman ng graphein ay “isulat o ilarawan”. Sa madaling salita, ang heograpiya ay nangangahuluhang “paglalarawan sa daigdig“.   Ang heograpiya ay larangan ng agham kung saan pinag-aaralan ang pisikal na katangian ng daigdig. Nakapaloob dito ang pananaliksik tungkol sa interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, hugis ng mundo, klima, lupain, lokasyon, likas na yaman at iba pa. Ito ay naglalayong maunawaan ang lokasyon ng mga bagay, mga rason kung bakit doon ito matatagpuan, kung paano ito nalikha o lumitaw, at ano ang mga pagbabago nito sa habang lumilipas ang panahon.    Dagdag pa, ang heograpiya ay malawakang pag-aaral na isinasagawa upang mas maintindihan ang buong kalupaan o daigdig. Ang mga taong nagsasaliksik sa larangang ito ay tinatawag na “Geographer“. Ang trabaho ng Geographer ay magsaliksik tungkol sa panlabas o pisikal na katangian ng mundo at pag-aralan ang mga gawi o kilos mga mamayan na namumuhay dito.   Ngayong alam mo na ang kahulugan ng heograpiya, atin naman tuklasin ang dalawang sangay nito.
  • Nahahati sa dalawang sangay ang heograpiya. Ang dalawang sangay na ito ay ang heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal.     Ang heograpiyang pantao ay agham panlipunan kung saan pinag-aaralan interaksyon ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Tinatalakay sa sangay na ito kung paano binabago ng tao ang kapaligiran at ano ang mga nagiging epekto ng kapaligiran pabalik sa kanya. Sa heograpiyang pantao rin pinag-aaralan ang kasaysayan, populasyon, ekonomiya, politika, kultura at iba pa.     Ang isa pang sangay ng heograpiya ay ang heograpiyang pisikal. Ito ay agham ng kalikasan kung saan sinusuri ang estruktura ng ating daigdig tulad ng disenyo ng atmospera, biyospera, at geospera. Pinag-aaralan din dito ang iba’t-ibang natural na proseso at kaganapan na nangyayari sa loob at labas ng ating mundo. Dito pumapasok ang pag-aaral ng kalupaan, karagatan o ang me katubigan, klima, at iba pang may kinalaman sa pisikal na anyo ng daigdig.