👤

Sitwasyon Ano ang gagawin mo (pasya) Bakit ito ang naging pasya? (paliwanag) sa

1. Inaya ka ng mga kaibigan mo na tumambay muna sa isang lugar at nag-inuman. Gustong gusto mong sumama dahil matagal na kayong hindi lumalabas.Ngunit naalala mo ang bilin ng iyong mga magulang tungkol sa paggawa ng mabuti.

2. Isang araw, dumating ang isa sa pinaka mahirap na pagsubok iyong buhay. Kailangan ng pamilya mo ang malaking halaga ng pera. Habang ikaw ay naglalakad, may nakita kang wallet na nahulog: Walang nakakita sa'yo nang ito'y iyong pulutin. Ang laman nito ay sobra pa sa kinakailangan ng pamilya mo. Walang ibang nakalagay sa wallet kundi ang pera lang.

3. May nagawang hindi inaaasahang pagkakamali ang iyong mga magulang. Inilihim ninyo ito dahil sa maraming rason. Dahil hindi ka mapakali, ibinahagi mo ito sa iyong matalik na kaibigan. Isang araw pagpasok mo ng paaralan, nahuli mong pinagkakalat ng kaibigan mo ang nagawa ng iyong mga magulang at hinuhusgahan ka ng mga kapwa mo mag-aaral. Nasaktan ka sa ginawa ng iyong kaibigan at gusto mo siyang awayin.

4. Dahil sa pandemia na Covid 19, marami ang nangangailangan ng tulong. Ang utos ng Gobyerno, ang magpapalista lang ay ang mga walang mapagkukunan ng pera dahil walang trabaho. Parehong may permanenteng trabaho ang mga magulang mo ngunit nagpalista pa rin sila. Samantalang ang kapitbahay ninyo ay hindi inilista kahit alam nilang walang wala na sila.

5. Isang daan nalang ang natitira mong pera. Dahil sa lockdown hindi ka makaka-uwi upang humingi ng pera sa iyong mga magulang. Wala ka nang pagkain ngunit gustong-gusto mo nang magload para makapag laro ng ML para hindi ka maiwan ng mga kaibigan mo. 11​


Sagot :

Answer:

1. hindi ako sasama dahil mas susundin ko ang aking magulang at masama din sa kalusugan ang pag-inom

2.pupunta ako sa istasyon ng pulis para hanapin ang nagmamay-ari nito, sa kahirapan ng buhay hindi dapat gagamit ng pera ng iba nanjan ang pamilya mo para magtulungan ang isa't isa.

3.sasabihan  ko sya or tatanungin ko sya kung bat nya yun ginawa at ipapaliwanag ko sakanya kung bakit nilihim namin yun.

4.sasabihan  ko ang aking mga magulang na ang makukuha nilang pera ibigay nlng sa nangangailangan.

5.mas pipiliin kung itabi nalang ang pera para magamit ko ito sa mas mahahalagang bagay.

Explanation: