Gawain B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang iba't iBang elemento ng pelikula.
PAGPIPILIAN:
Banghay
Buod
Diyalogo
Iskrip
MusikaPamagat
Sinematograpiya
Tauhan
Istorya
Tema
1.ipinapakita ang karakterisasyon ng mga gumanap sa pelikula.
2.ito ay naglalaman nang malinaw na paghahanay ng mga pangyayari sa pelikula upang lubos na maunawaan ng mga manonood.
3.ito ay naglalaman nang matino o bulgar na mga salitang ginamit sa kabuuan ng pelikula. Dito malalaman kung angkop ba ang lengguwahe sa takbo ng mga pangyayari.
4.ito ay pangalan ng istorya na may panghatak o impact
5.ito ay parte ng pelikula na may mapusyaw o matingkad na kulay ng pelikula.
6.ito ay pelikula na mayroong “puso" o paksang pinag- uusapan. May taglay itong kaisipan at diwang tatak sa isip at damdamin ng mga manonood na may kaugnayan sa kanilang karanasan sa buhay.
7.ito ay ang iba't ibang tagpo sa pelikula na nakaayos ayon sa pangyayari.
8.ang tunog na nagpapasaya at nagpapalungkot sa mga manonood ay nakakaapekto sa nararamdaman ng manonood.
9. naglalaman ng kabuuang istorya ng mga pangyayari sa pinanood na pelikula.
10.tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng pelikula at inaasahang magiging epekto nito sa mga manonood.