Answer:
pangingi-isda
Ang mga sinaunang Pilipino ay nabubuhay sa pangangaso, pangingisda, at pagkuha ng mga bungang kahoy. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, mayaman ang ating bansa sa mga yamang tubig. Iba’t-ibang lamang dagat din ang nakikita sa mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas. Dahil dito, ang mga sinaunang Pilipino ay pumupunta sa mga ilog at dagat upang kumuha ng makakain.
Noong magsimulang magtayo ng mga sibilisasyon ang mga Pilipino, umusbong ang iba’t-ibang uri ng pamayanan, at isa nga ang mga pamayanan ng mga mangingisda sa mga naitatag. Hanggang sa panahong kasalukuyan, marami pa ring mga payamanan ng mga mangingisda ang ating makikita. Dito lamang sa Metro Manila ay kilala ang Navotas dahil sa pangingisda ang pangunahing hanapbuhay dito.