Basahin at unawain ang artikulo. Gumawa ng “Status-ko” o ang iyong pinaniniwalang panig kung ikaw ba ay pabor o hindi pabor sa pagpapatupad ng Batas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012. Ipaliwanag ang iyong panig tungkol dito. Ilagay ito sa isang buong papel sa pamamagitan ng isang sanaysay.
Batas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012
Ang mga panukalang batas sa ReproduktibongKalusugan(Ingles: Reproductive Health bills na kilala bilang RH Bill) ang mga panukalang-batas na inihain sa lehislatura ng Pilipinas na naglalayon na siguruhin ang pangkalahatang paglapit sa mga paraan at impormasyon sa pagkontrol ng panganganak at pangangalagang pang-ina. Ang mga panukalang batas na ito ay naging sentro ng pambansang talakayan. Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang mga panukalangbatas na may parehong mga layuin: Panukalang batas ng kapulungan Bilang 4244(House Bill No. 4244) o "An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes"(Ang Aktong Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol sa Responsable Pagiging Magulan, Reproduktibong Kalusugan, at Populasyon at Pag-unlad, at Para sa Iba pang mga Layunin) na ipinakilala ng representatibong si Edcel Lagman ng Unang Distrito ng Albay. Panukalang batas ng Senado Bilang 2378(Senate Bill No. 2378) "An Act Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development"(Ang Aktong Nagbibigay ng Pambansang Patakaran tungkol sa Reproduktibong Kalusugan at Populasyon at Pag-unlad) na ipinakilala ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Bagaman may pangkalahatang kasunduan tungkol sa mga probisyon sa pang-ina at pang-anak na kalusugan, may malaking pagtatalo sa pangunahing mungkahi na ang pamahalaan ng Pilipinas at ang pribadong sektor ay magpopondo at magsasagawa ng malawak na pamamahagi ng mga kasangkapang pang pagpaplano ng pamilya gaya ng kondom, mga pill na pangkontrol sa panganganak at IUD habang ang pamahalaan ay patuloy na nagpapakalat ng impormasyon sa mga gamit nito sa lahat ng mga sentro ng pangangalagang pangkalusugan(health care facilities).