Sagot :
Answer:
Mga Kaugalian ng mga Pilipino Noon at Ngayon
Kilala ang mga Pilipino dahil sa magagandang katangian ng mga ito. Alamin ang iba’t ibang kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino. Narito ang kaugalian ng mga Pilipino na dapat mong malaman.
1.Bayanihan
2.Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid
3.Panghaharana
4.Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita
5.Paggalang Sa Matatanda
6.Pagmamano
7.Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
8.Pamamanhikan
9.Pakikisama
10.Palabra De Honor
11.Malapit Sa Pamilya
12.Pagdarasal Bago Kumain
13.Pagsasabit ng kabaong sa gilid ng bundok
Madasalin
14.Hindi pagpapakita ng lalaki sa babae bago ang kasal
15.Fixed Marriage
16.Pagpapakasal sa murang edad
Explanation:
pa brainliest po #CarryOnLearning
Answer:
Kaugalian
Iisang lahi ngunit iba't ibang wika sa iisang bansa; at mayroon tayong mahigit sa isang daang pitumpung wika. At Iba't ibang kinagisnan ng pamumuhay at ng paniniwala sa kinalakihang lugar sa ating bansa. Ang bansang pilipinas ay tinaguriang bansang kristiyano ngunit nahahati ang bansa sa tatlong pulo; ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Ngunit sa aking pagsusuri, unti-unti ng nakakalimutan ang isa sa mga kultura ng mga pilipino. Ito ay ang pag "MANO" sa nakatatanda sa atin. Ang pag "MANO" ay isa sa mga tanda' ng paggalang ngunit sa ating mga pilipino ito ay isang tradisyon. Nagsimula ang pagmamano sa nakatatanda noong panahon ng mga Prayleng Katoliko na sumakop sa bansang Plilipinas. Ang salitang ugat na “MANO” ay nagmula pa sa wikang Espanyol na ang ibig sabihin nito ay “KAMAY”. Gayunpaman, ang hindi naalis sa ating mga pilipino ay ang paggamit ng "PO at OPO" tanda ng paggalang sa nakatatanda sa atin.
Explanation:
Kulturang Pilipino
Ang pista naman ay isa sa mga pinakamalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba't ibang lugar o dako sa pilipinas. Tampok dito ay ang mga makukulay na palamuti sa parada, mga katutubong sayaw at seremonya, mga masasaganang handaan at paligsahan sa probinsya. Ang kapistahan ay isa rin sa mga dinadayo at inaabangan ng mga turista taun-taon. Ang Pista ay isa lamang tradisyon na kaugalian ng mga pilipino bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop ng ating bansa bilang pagpapasalamat at pagalaala sa espiritu at sa Dios ng kalikasan ng kanikaniyang mga ninuno.