👤

Guy de Maupassant Ang Kwintas ang Dumating ang kanyang asawa si G. Loisel isang gabi na may dalang sobreng naglalaman ng paanyaya sa isang kasiyahan mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko kung saan siya nagtatrabaho Ngunit nagdabag lamang si Mathilde dahil ikinahihiya nito sariling mapabilang sa pagtitipon ng mararangyang tao sa lipunan. Sinabi niya sa asawa na papayag siya subalit kailangan niya ng pera para makabili ng bestidang gagamitin sa dadaluhang pagtitipon Apatnaraang prangko ang kanyang kailangan kung kaya si Gloisel ay natigilan. May pera siyang naipon ngunit may pinaglalaanan siya nito. Napagdesisyunan niyang gamitin na lamang ang perang naipon at ilalaan na lamang ito sa bagong bestidang isusuot ng asawa. Subalit hindi pa rin nakuntento si Mathilde na wala siyang hiyas na isusuot kaya humiram siya ng kuwintas sa kanyang kaibigang si Madam Forestier. Pinahiram siya agad nito ng napakagandang kuwintas. Nang sumapit ang araw ay halos nahigitan ni Mathilde ang lahat ng mga babae sa ganda at rangya at halos naging kahali-halina pa ito sa mga kalalakihan. Naging maligaya siya nang buong gabing iyon. Nang matapos ang kasiyahan ay umuwi silang mag-asawa. Ganoon na lamang ang panlulumo ni Mathilde nang mapansing nawawala sa leeg ang kuwintas na suot na hiniram niya. Hinanap nila ito ngunit hindi ito makita kaya siya ay naghanap ng katulad nito upang isauli kay madam Forestier. Mayroon siyang nakita subalit nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko. Upang mapalitan ang kwintas ay nangutang sila kung kani-kanino. Nang mabili iyon ay isanauli ito kay Madam Forestier na walang alam sa nangyari at naging malamig pa ang pakikiharap sa kanya dahil matagal ito bago naibalik. Noon lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng karalitaan. Tiniis nilang lahat ng paghihikahos. pagtitipid pagiging maralita sa buhay sa loob ng sampung taon. Tumanda ang mukha ni Mathilde. Isang araw nang naglalakad siya sa Champs Elysees ay nakita niya si Madam Forestier na may kasamang bata. Napakaganda pa rin nito. Binati niya ito ngunit hindi agad siya nakilala dahil sa malaking pagbabago ng kanyang itsura. Sinabi niya kay Forestier ang nangyari sa kanya. Isinalaysay din niya ang pagkawala ng kuwintas at ang pagbili niya ng kuwintas bilang kapalit na naging sanhi ng kahirapang pinagdaanan. Ngunit laking panghihina nang malaman niya mula kay Madam Forestier naang kwintas na hiniram ay isa lamang imitasyon. Gawa lamang ito sa kristal at hindi tunay na mga brilyante na nagkakahalaga lamang ng limang daang prangko. Umuwi si Mathilde sa kanyang bahay at ikinuwento nito sa kanyang asawa ang pangyayari. *nagustuhan mo ba ang kwento? ano kaya ang magandang aral na iyong napulot mula sa akdang binasa​

Sagot :

Answer:

makuntinto kung ano lang ang meron

Explanation:

Masama ang maghangad ng sobra lalo na kung hindi kaya ng bulsa dahil magdudlot ito ng masama at nasa huli ang pagsisisi