👤

Malayang Gawain 1: May Batas na sa Basura Ang Republic Act 9003 ay ang Waste Management Act of 2000. Isa itong batas tungkol sa pagtatapon natin ng basura. Natawag ang pansin ng ating pamahalaan sa lumalalang problemang pangkalusugan ng mga mamamayan. Dumarami ang kaso ng mga taong nagkakasakit sa baga. sia ay naaapektuhan ng maruming hangin na kanilang nalalanghap. Bukod dito, maaari ring magmula sa basura at pagkaing nadapuan ng langaw ang pagkasira ng tiyan ng ilang tao. Bunga nito. isinulong ang batas tungkol sa basura Layunin ng batas na maibukod bukod ang mga basura nang maging maayos ang pangangalap ng mga ito. Kung magtutulung- tulong sayong lahat na maisakatuparan ang batas sa basura, maiwasan ang paglaganap ng ibat ibang uri ng sakit sa ating bansa. Hango sa: Sanghaya Wika at Pagbasa Sa Filipino Josefina C. Mangahis A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang Republic Act. 9003?
2. Ano ang lumalalang problem ng pamahalaan?
3. Ibigay ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit ng mga tao?
4. Ayon sa batas, paano maisasaayos ang pangangalap ng basura?
5. Paano maisasakatuparan ang batas sa basura?​