👤

21. Sinong pangulo ng bansa ang naghimok sa mga kapitalistang Amerikano na mamuhunan sa Pilipinas?
A Carlos P. Gracia
C. Elpidio R. Quirino
B. Diosdado P. Macapagal
D. Manuel A. Roxas ​


Sagot :

Answer:

D.

Explanation: correct me if im wrong:)

SAGOT:

D. Manuel A. Roxas

MANUEL ACUÑA ROXAS (HULYO 4, 1946 – ABRIL 15, 1948) Huling pangulo ng Pamahalaang Komonwelt Unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Ika-limang pangulo ng bansa

Explanation:

MGA SULIRANING KINAHARAP NI MANUEL A. ROXAS

Pag- aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang naapektuhann ng digmaan. Pagpapanatili ng pambansang seguridad na noon ay nanganib sanhi ng pagkilos ng Huk Pagbubuklod sa mga Pilipinong nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon (Enero 17, 1948)

MGA PROGRAMA AT PATAKARAN

Pagsasaayos ng elektripikasyon

Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal.

Pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang.

Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas.

Pagpapasiyasat sa mga likas na yaman ng bansa na humantong sa pagmumungkahi na kailangang magtatag ng mga industriyang mangangalaga at lilinang sa mga likas na yaman ng Pilipinas.

Binigyang pansin ang pagpapalaki ng produksyon/industriya at pagsasaka.

MGA KORPORASYON O SAMAHANG ITINATAG NI ROXAS

NARIC – National Rice and Corn Corporation

NACOCO – National Coconut Corporation

NAFCO – National Abaca and Other Fibers Corporation

NTC – National Tobacco Corporation

RFC – Rehabilitation Finance Corporation (Development Bank of the Philippines)

- Ang samahang RFC ay nagpapautang sa mga korporasyong nangangailangan ng puhunan at sa maliliit na mangangalakal na nagnanais magsimula ng negosyo.

SISTEMA NG PANGASIWAAN NI ROXAS

1.) Pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Amerika at Pilipinas.

2.) Pagtatayo ng mga base-military ng mga Amerikano sa bansa.

3.) Pagtiyak sa alalay na tulong ng Amerika sa bansa sa panahon ng digmaan.

4.) Pagpapatibay ng Parity Rights.

5.) Pagpapatupad ng Philippine Trade Act of 1946.

6.) Pagpapatibay ng Philippine Currency Act na nagsasabing ang Amerika ang kokontrol sa pagpapanatili ng halaga ng ating pananalapi.

Abril 15, 1948 – matapos magtalumpati sa Clark Air Base, Angeles City si Manuel Roxas ay inatake sa puso na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.