1. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang 1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. a. talento b. kakayahan c. hilig d. pangarap 2. Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao, MALIBAN sa: a. gabay c. kakayahang iakma ang sarili b. motibasyon d. pagtuklas ng katotohanan 3. Ang mga sumusunod ay makakatulong sa iyo upang mapataas mo ang iyong tiwala sa sarili at magkaroon ka ng positibong pananaw at damdamin, MALIBAN sa: a. Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan. b. Huwag matakot na talikuran ang mga bagong hamon. c. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. d. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay 4. Si Johnny ay nais maging isang pulis pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag- aaral nang mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya ito. Ano ang ipinakita ni Johnny sa kanyang pangarap na maging pulis kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais niya? a. Alam talaga kung ano ang nais sa buhay b. Nanatiling bukas ang kumonikasyon c. Ipinakita ang tunay na ikaw d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
