Sagot :
Answer:
Ang tanka at haiku ay anyo ng mga tula na pinahahalagahan ng panitikan ng Japan.
Ginawa ng mga Hapon ang tanka noong ika-8 siglo at ang haiku noong ika-15 siglo.
Ang mga tulang tanka at haiku ay may layuning mapagsama-sama ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Antolohiya ang tulang tanka na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon.
Nagiging daan ang tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan. Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka. Lilikha ng 3 taludtod ang isang tao at dudugtungan naman ng ibang tao ng 2 taludtod upang mabuo ang isang tanka.
Noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang haiku. Binubuo ng 17 na pantig na nahahati sa 3 taludtura
Explanation: