Sagot :
Isa sa pinakamasining na pamamaraan upang makilala ang kultura ng isang
bansa ay sa pamamagitan ng panitikan. Sinasabing nakapaloob sa panitikan ang
kasaysayan, kultura at tradisyon ng isang bansa. Ayon sa pagpapakahulugan ng isang
batikang manunulat na si Pat Villafuerte, ang panitikan ay tulay sa pagkakaunawaan ng
mga lahi sa mundo. Ito ang nagsisilbing daan upang makilala at maunawaan.