Sagot :
Answer:
Tungkulin sa Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata
Edad ng Pagdadalaga at Pagbibinata Ang pagdadalaga at pagbibinata ay isa sa pinakamasaya ngunit sa iba’y nakakatakot na pangyayari sa buhay ng bawat tao. Nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang tao sa pagitan ng sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong gulang.
Puberty Stage • Ang isang yugto ng buhay na may maraming nagaganap na pagbabago ay ang panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o ang puberty stage. Ito’y mula 10-16 na taong gulang.
Explanation:
Ang Tungkulin sa Sarili
1. Pagharap at wastong pamamahala ng mga pagbababgo sa iyong pagdadalaga o pagbibinata.
2.Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.
Mga Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata
Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian Sa panahong ito ay nagkakaroon ng buwanang daloy o pagreregla at nagsisimulang magkahugis ang dibdib ng babae. Bukod dito ay lumalapad ang balakang, tumutubo ang balahibo sa kilikili at ibabaw ng ari sa mga kababaihan, ito’y hudyat na malapit na ang buwanang daloy o pagreregla. Nagiging makinis at malambot ang kutis ng nagdadalaga dahil lumalabas ang maruming dugo sa katawan sa pamamagitan ng pagreregla. Sa mga babae naman ay ang pag-umbok ng dibdib at paglapad ng balakang.