👤

1.ano ang tamang kahulugan ng salitang “alamat”?
a. isang kuwento ng pinagmulan ng lugar o bagay.
b. isang uri ng akda na nagpapakita ng pagiging matapang ng isang tao at kung paano niya ito nalagpasan na may positibong pananaw sa buhay.
d. isang uri ng panitikan na naglalahad ng mga magagandang pangyayari sa isang tao kung paano niya nailigtas ang kanyang mga kapwa mula sa isang traydor na tao
2.ang alamat ay naglalaman ng mga elemento. ano ang mga ito?
a.tauhanat baranghay
b. tagpuan at tauhan
c. tauhan, tagpuan at banghay
d. wala sa nabanggit ​


Sagot :

Question

1. Ano ang tamang kahulugan ng salitang “alamat”?

A. Isang kuwento ng pinagmulan ng lugar o bagay.

B. Isang uri ng akda na nagpapakita ng pagiging matapang ng isang tao at kung paano niya ito nalagpasan na may positibong pananaw sa buhay.

C. Isang uri ng panitikan na naglalahad ng mga magagandang pangyayari sa isang tao kung paano niya nailigtas ang kanyang mga kapwa mula sa isang traydor na tao.

Ano ang "Alamat?"

Layunin ng isang alamat ang sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang damdamin ng mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon. Kung totoo man ang mga pangyayari sa isang alamat, wala naman itong sapat patunay. Bagamat ang alamat ay kathang-isip lamang, ito naman ay nag-aangkin ng kaisipang

Question

2. Ang alamat ay naglalaman ng mga elemento. ano ang mga ito?

A. Tauhan at baranghay

B. Tagpuan at tauhan

C. Tauhan, tagpuan at banghay

D. Wala sa nabanggit ​

Explanation

Mga Elemento ng Alamat

Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:

  • 1. Tauhan

Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.

  • 2. Tagpuan

Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.

  • 3. Saglit na kasiglahan

Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

  • 4. Tunggalian

Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.

  • 5. Kasukdulan

Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

  • 6. Kakalasan

Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

  • 7. Katapusan

Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Mga Bahagi ng Alamat

Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.

  • 1. Simula

Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.

  • 2. Gitna

Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.

  • 3. Wakas

Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.

Mga Halimbawa ng Alamat

Ang mga sumusunod na halimbawa na inyong mababasa ay pinangkat sa limang bahagi. Ito ay ang alamat ng mga bulaklak, gulay, hayop, lugar at prutas.

Mga Bulaklak

  • Bulaklak
  • Makahiya
  • Rosas
  • Sampaguita
  • Waling-Waling

Gulay

  • Ampalaya

Mga Hayop

  • Ahas
  • Aso
  • Butiki
  • Gagamba
  • Paru-Paro

Mga Lugar

  • Baguio: Mina ng Ginto
  • Bulkang Mayon
  • Pilipinas
  • Maria Makiling

Mga Prutas

  • Bayabas
  • Durian
  • Kasoy
  • Lansones
  • Mangga
  • Pakwan
  • Pinya
  • Saging
  • Sampalok

Iba pang halimbawa

  • Bahaghari

HOPE IT HELPED

#CARRY ON LEARNING