Sagot :
Answer:
Josefa Rizal
Si Josefa Rizal ang naging kalihim ng mga lupon ng kababaihan sa Katipunan.
Explanation:
Si Josefa Rizal ay isa sa mga kapatid ni Jose Rizal, at pang-siyam siya sa mga magkakapatid. Panggoy ang palayaw na ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya. Matapos paslangin si Jose Rizal, sumapi si Josefa Rizal sa Katipunan kahit na siya ay isang epileptic. Inihalal siya ng samahan bilang lupon ng mga kababaihan sa Katipunan, na may 29 na miyembrong babae. Ilan din sa mga babaeng kasapi ng samahan sila Melchora Aquino at Gregoria de Jesus. Bilang lupon ng mga kababaihan, tungkulin nya na protektahan ang mga lihim na kasulatang itinatago ng samahan. Nililito rin nila ang mga gwardya sibil kung may pagpupulong na nagaganap sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta.