👤

1. Ano ang solid waste? Gaano kalala ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
2. Bakit nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa ating bansa?
3. Paano tinutugunan ng pamahalaan at ibang pang sektor ang suliraning ito?
4. Sa iyong palagay, mabisa ba ang mga progtama o patakaran ng pamahalaan upang malutas ang suliranin sa solid waste? Pangatwiran ang sagot.


Sagot :

1. Ang solid waste o solidong basura ay tumutukoy sa mga itinatapong basura ng mga tao. Ito ay maaaring iba't-ibang uri ng mga basura. Ito ay karaniwang mga basura na itinatapon ng mga pamayanan, komersyal, mga industriya, at ibang mga medical na basura.

2. Karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng problema ng solid waste sa bansa ay ang hindi tamang pagtapon ng basura ng mga mamamayan. Kadalasan ay kung saan-saan lamang itinatapon ng mga tao ang kanilang mga basura. Dahil sa kawalang disiplina at hindi responsableng pagtapon ng mga basura, ito ay nagreresulta sa mga baradong daluyan ng tubig sa mga lugar na nagiging sanhi rin ng pagbaha at iba pang problema.

3. Ang pangunahing tugn ng pamahalaan sa problemang ito ay ang R.A 9003 o ang Ecological Waste Management Law. Ang batas na ito ay naglalayong tugunan ang problema sa solid waste sa bansa. Kabilang sa mga programa ng batas na ito ay ang mga programa sa recycling at segregation at resource recovery plan.

4. Batay sa aking obserbasyon, mabisa naman ang programa ng gobyerno, ngunit ito ay hindi ganoon kabisa kaya't ang problema sa solid waste ay nandito parin. Sa tingin ko ay hindi napanatili ang mabisang implementasyon rito. Kulang pa rin sa disiplina ang mga tao. Kaya't kahit may programa, ito ay hindi pa rin lubos na nasolusyonan ang problemang ito.

#CarryOnLearning-,-