Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung Mapanagutan (M) o Hindi Map- anagutan (HM) ang paggamit ng kalayaan ng mga tauhan sa sumusunod na sitwasyon. 1. Nag-iipon si Leslie mula sa perang baon niya sa araw-araw upang mabili ang isang librong kakail- anganin niya sa paggawa ng book review. Sagot: .: Paliwanag: 2. Liban ang guro nila Anton sa huling asignatura kaya't tinakasan nila ang guwardiya ng paaralan upang makalabas agad at makapaglaro sa computer shop. Sagot:: Paliwanag: 3. Sa kabila ng paalaala ng magulang ni Maan na umuwi ito nang maaga, ginagabi pa rin siya sa pag- uwi dahil sa pagsama sa mga kabarkada. Sagot: : Paliwanag: 4. Madalas mapuyat si Anabel dahil sa panonood ng kaniyang paboritong teleserye sa telebisyon. Sagot: Paliwanag: 5. Akma sa hilig at kaalaman ni Gustav ang Arts and Design subalit sa Academic Track sa Senior High School siya nag-enrol dahil nandito ang kaniyang mga kabarkada. Sagot: : Paliwanag: 5. Pinili ni Harvey na bantayan ang kaniyang lolang nasa ospital kaysa sumama sa school outing. Sagot: : Paliwanag: 6. Sa kabila ng panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga tao na lisanin pansamantala ang kanilang tahanan dahil sa banta ng isang malakas na paparating na bagyo, nanatili sa kanilang bahay si Mang Pablo upang bantayan ang kanilang bahay laban sa mga posibleng magnakaw dito.​