👤

A Kahulugan ng Padul-ong
B. Nakapaloob sa Selebrasyon
C. Mga Pinangyayarihan ng Pagdiriwang
D. Paglalarawan sa Selebrasyon ng kanilang Pista

Ang Padulong Festival
Gesille G. Grande
Ang Padul-ong Festival ay isang selebrasyon at tradisyon na
ipinagdiriwang ng mga taga-Borongan bilang pagpupugay sa Mahal na
Birheng Maria, ang patron ng siyudad ng Borongan. Ito ay ang kuwento ng
misteryosong pagdating ng imahe ng Birheng Maria mula sa Portugal na
sinasabing may pagkakaugnay sa babaeng nakaputi na madalas na
nakikita sa Hamorawon Spring na pinaniniwalaang nagbibigay ng tubig na
misteryosong nakagagamot sa mga residente dito noong unang panahon
Ipinagdriwang ang Padul-ong Festival tuwing ika-7 ng buwan ng Setyembre,
isang araw bago ang piyesta ng lugar. Tinawag itong Padul-ong mula sa
salitang Waray-Waray na dul-ong na ang ibig sabihin ay paghatid.
Ang Padul-ong Festival ay nagsisimula mula sa malayong barangay
ng Punta Maria sa pamamagitan ng isang misa na dinadaluhan ng
Hermana at mga deboto ng simbahan. Pagkatapos ng misa, inihahatid ang
imahe ng Birhen sa pantalan ng Rawis na isinasakay sa isang malaking
bangka. May mga Boronganon na nag-aabang sa pantalan sa pagdating ng
Birhen. Dito na nagsisimula ang parada na sinasalihan ng iba't ibang
institusyon ng siyudad. Makikita sa paradang ito ang makukulay na mga
kasuotan mula sa mga kalahok nito. Magarbo ang selebrasyon ng
pagdiriwang nito. Inihahatid ang imahe sa simbahan ng Nativity of Our Lady
na nasa sentro ng Borongan. Pagkatapos ng parada ay makikita ang iba't
ibang pagtatanghal na naglalarawan ng kuwento tungkol sa misteryosong
pagdating ng Birheng Maria sa Siyudad ng Borongan.