Isulat sa ivong sagutang papel ang titik P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay at titik Ph naman kung ito ay paghihinuha. 1. Totoong kailangan natin ang pagtutulungan upang tayo ay umunlad. 2. Maaaring patunayan ng DOH ang tumataas na bilang ng mga mamamayang nahawa sa COVID-19. 3. Posible nga na maraming magagandang tanawin sa Mindanao. 4. Marahil ay umaasa ang lahat na babalik din ang dating normal. 5. Sadyang kitang-kita sa mga ebidensiya na siya ang salarin.