Sagot :
Maraming gamit ang banga noong sinaunang panahon. Ginagamit ito para mag-imbak ng mga pagkain at mag-preserba nito. Wala pa noong mga modernong kagamitan tulad ng mga lalagyan ng pagkain na gawa sa plastic o metal, at refrigerator para sa pag-iimabak at pag-pepreserba ng pagkain. At isa pa, wala pang kuryente o elektrisidad noon. Kaya ito ang karaniwang ginagamit ng ating mga ninuno sa pag-iimbak ng pagkain.
Ang banga o tapayan (malaking uri ng mga banga) ay gawa sa luwad o putik gaya ng alam natin. At may iba't-iba itong hugis, sukat at laki. Ang banga ay ginagamit sa pag-iimbak ng pagkaing gaya ng bagoong, alamang at iba pa. Ginagamit din ito para sa pag-pepreserba ng pinaasim na bigas, ng alak o ng suka. Ang tapayan, o malaking bersiyon ng banga ay karaniwan nang ginagamit sa pagiimbak ng tubig. Ginamit din ng ating mga ninuno ang tapayan noon sa paglilibing, gaya halimbawa ng paglalagay ng buto o kalansay ng yumaong mga tao, dahil sa ito ay malaki sa sukat. Ginagamit din ang banga kung minsan sa pagluluto.
Isa sa popular o kilalang banga sa ating bansa ay ang Manunggul Jar. Ang banga ay may iba’t-ibang katawagan din, maging sa ibang mga probinsya sa ating bansa.
Bornay – Ilocos (may katawang malaki at matambok at bungangang makipot)
Boyog o Buyog - Pangasinan, La Union, at Ilocos (halos silindriko ang hugis, palapad ang ibabang bahagi mula sa bunganga)
Gorgorita - ang tawag sa bangang maliit na may mabilog na katawan at mahabang leeg.
Pasig-Pasig - mas malaking bersiyon ng Gorgorita na ang karaniwang inilalagay naman ay bagoong o alamang.
Dulay - Bikol
Tibod - Hiligaynon at Waray