👤

ano Ang inyong napansin sa inyong anak bang simulan ninyong kilalanin at pangalan Ang kanyang mga nararamdaman?​

Sagot :

Ang napapansin sa mga anak kapag kinilala ng mga magulang ang kanilang mga nararamdaman ay ang mas malayang pagpapahayag pa nila ng kanilang nararamdaman. Kapag ang mga magulang ay umiintindi sa kanilang mga anak ay nagkakaroon ng tiwala ang mga anak na magsabi pa at maging open sa kanila. Hindi sila magsisinungaling o magtatago. At mas malamang na makinig sila sa mga payo ng kanilang mga magulang.  

Bakit Kailangan Ng Gabay Ng Mga Anak  

Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit kailangan ng gabay ng mga anak:  

  1. Binabanggit sa bibliya na ang kamangmangan ay nasa puso ng bata – Kawikaan 22:15  
  2. Dahil nalilinang ng pagsisidiplina at gabay sa mga anak ang kanilang kapakumbabaan na kakailanganin nila sa kanilang pagiging adulto  
  3. Ma-isasalba ang mga anak mula sa masasamang resulta ng maling pagdedesisyon  
  4. Ang mga batang pinabayaan ay nagdudulot ng kahihiyan sa kanilang mga magulang ayon sa Kawikaan 29:15  

 

Bakit Mahalaga Ang Pagsunod Sa Mga Magulang  

Ang mga sumusunod ay ang mga dahilang kung bakit mahalaga ang pagsunod sa mga magulang:

  • Mas makaranasan ang mga magulang at ang iyong napagdaanan ay napagdaanan na nila  
  • Makakabuti ang pagsunod dahil gusto nila ang nakabubuti sayo  
  • Mas mapapalapit kayo sa isat-isa  
  • Maililigtas ka nito sa mga resulta ng mga padalos dalos na pagdedesiyon dulot ng pagkapusok bilang kabataan  

Tingnan ang iba pang opinyon:  

Kailan maaaring simulan ang pakikipagusap tungkol sa damdamin ng iyong anak:  

https://brainly.ph/question/19396208

#BrainlyEveryday