👤

II. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang etra ng tamang sagot.

6. Ang mga sumusunod ay katangian ng mitolohiya ng mga Roman MALIBAN SA ISA.
A. Kadalasang pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad.
B. Hinalaw nila ang kanilang mitolohiya sa mga Greek.
C. Naging pambansang epiko ng mga Roman ang liiad at Odyssey.
D. Kabayanihan ang kadalasang tema ng kuwento.

7. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kaninaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na "Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala."
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

10. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
B. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
C. May taglay na talinghaga.
D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.​