Sagot :
Answer:
Mahal kong Ama,
Nagpapasalamat po ako sa buhay na ibinigay mo sa akin sa araw na ito. Salamat sa proteksyon na ipinadadama mo sa akin sa tuwing takot na takot ako at may problema. Salamat po sa lahat-lahat ng biyaya niyo na ibinibigay sa pamilya ko, sa bayan at sa akin.
Marami na po kayong ibinigay na mabubuting bagay sa akin kasama na ang regalong buhay. Sa lahat ng mga problema sa buhay ko nandyan ka at handa akong alalayan. Lagi mo ring ipinaaalam sa akin ang mga daan at desisyon na dapat kung gawin. Kaya kapag may plano ako at trabaho, lagi itong nagkakaroon ng mabuting resulta.
Maraming salamat po sa mga inilalaan nyong babasahin gaya ng Bibliya na talagang mapagkukunan ko ng magagandang aral tungkol sa buhay. Sa tuwing isinasa-puso ko at isinasagawa ang mga utos dito ay talagang napapabuti ako.
Salamat po sa lahat-lahat Ama, hanggang dito lamang po ang aking liham ng pasasalamat.
Minamahal Nyong Anak,
Explanation:
#Carry on Learning
Answer:
Salamat Lord sa araw araw
Salamat Lord Kase nandiyan ka para samin
Salamat Lord pinapatatag mo kami sa mga pagsubok namin
Salamat Lord kahit makasalanan kami nandiyan kaparin
Salamat Lord Kase ginagabayan mo sa mga gawain namin at gagawin pa.