👤

Tuklasin SANHI AT BUNGA Ang mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga ay halimbawa ng diskursong naglalahad. Ipinaliliwanag dito kung ano-ano ang mga dahilan ng isang pangyayari (sanhi), at kung ano-ano rin ang nagiging resulta nito (bunga). Mas magiging madali ang pag-unawa at pagbuo ng mga pangungusap na nagbibigay ng sanhi at bunga kung angkop ang mga pang-ugnay na ginagamit dito. Gumamit ng mga pag-ugnay sa pagbuo ng isang teksto o mga pangungusap na sanhi at bunga dahil ito ang mga tagapag-ugnay ng mga bawat pahayag. Narito ang mga ilang pang-ugnay na ginagamit para sa Sanhi at Bunga; 1. Sapagkat 2. Dahil sa/kay 3. Kasi 4. Palibhasa 5. Kaya 6. Bunga ng 7. Epekto ng 8. Bunsod ng/nito​