Answer:
star
Explanation:
Pagsasagawa ng Rebolusyon – Makatwiran Ba?
Para sa akin, makatwiran ang pagsasagawa ng rebolusyon upang ipagtanggol ang kalayaan ng bansa.
Kapag ang ating bansa ay nalalagay sa alanganin at may isang makapangyarihang bansa na nais itong sakupin, nararapat lamang na tayong mga Pilipino ay kumilos upang hindi tayo masakop. Ang pagsasagawa ng rebolusyon ay makatwiran sapagkat ang isang kalaban ay hindi mo mapapa-atras sa usapan lamang. Kinakailangan din na ipakita nating hindi tayo magpapatalo laban sa mga mananakop upang lubayan nila ang ating bansa.
Ang mga ginawa nila Andres Bonifacio ay isang magandang halimbawa dahil nang sila ay matutong lumaban, dito nakita ng Espanya na malapit ng matapos ang kanilang 333 taon na pagsakop sa atin.