Naririto ang mga dapat tandaan kapag magbi- Una, mahalagang magsaliksik ka tungkol sa bansang pupuntahan mo. Alamin mo ang kanilang mga batas tulad ng mga bagay na ipinagbabawal, kaugalian, gayundin ang mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa kanilang relihiyon. Pangalawa, alamin ang klima o panahon sa panahon ng iyong pagbisita upang makapaghanda ka ng angkop na kasuotan. Mahalagang alam mo rin ang kanilang pagkain at ang mga lugar doon na hindi ligtas puntahan ng mga turistang tulad mo. Ang isa pa sa pinakamahalagang dapat mong ihanda ay ang iyong mga dokumento sa pagbiyahe tulad ng iyong pasaporte, visa (kung kinakailangan), ticket sa eroplano, gayundin ang iba pang ID, at ang iyong credit card. Makabubuting may kopya ka ng iyong mga dokumento para kung saka- sakaling mawala ay mas madali mo itong mapapalitan. Huwag mo ring kalimutang ihanda ang iyong itinerary o listahan ng mga lugar na iyong pupuntahan, ang mga pangalan at address ng iyong hotel at iba pa. Makabubuti rin kung mayroon kang travel insurance para may sumagot sa mga pangyayaring hindi inaasahan.
