👤

B. Punan ang patlang ng nawawalang salita upang mabuo ang diwa ng
mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel
1. Ang_______ ay akdang naglalarawan ng madamdaming pahayag
at binibigkas nang masining o puno ng damdamin. Hindi ito katulad
ng ibang akdang tuloy-tuloy na isinusulat o binabasa. Ito ay
maaaring may sukat o malayang taludturan.
2. Ang_______ ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro,
palagay o paksang diwa.
3. Ang______
ay binubuo ng mga pangungusap na naglalayong
magkuwento ng karanasan, nabasa, nasaksihan, narinig o napanood.
4. Ang______ ay isang anyo ng panitikang nagsasaad ng
kasaysayan, impormasyon, mga tala at pangyayaring hango sa tunay na buhay ng isang tao.​