Sagot :
KAHALAGAHAN NG PANANAMPALATAYA SA PAGGAWA NG ISANG PAGPAPASYA
Mahalaga ang pananampalataya sa isang pagpapasya sapagkat ang Diyos lamang ang may alam sa lahat ng tinatahak at tatahakin pa lamang natin sa ating buhay. Ang Diyos lamang ang tanging maaring gumawa upang maging matagumpay ang lahat ng ating pagpapasya. Kahit gustuhin man natin kung hindi ito kalooban ng Diyos ay hindi ito matagumpay na mangyayari. Sabi nga ang Plano ng Diyos ay mas higit pa kesa sa ating mga plano. Ang pananampalataya ay isang pundasyon sa isang matagumpay na pagpapasya sapagkat naniniwala tayo na kahit hindi natin nakikita ang Diyos ay patuloy na nariyan siya upang gumabay o pumatnubay sa atin.
Ano ba ang pananampalataya?
- Ang pananampalataya ay isang paniniwala ng tao na ang Diyos lamang ang tutulong sa kanya at patuloy pa din niya itong sinasamba, pinupuri at pinaniniwalaan na siya ang gumagabay sa pang-araw araw na buhay kahit hindi niya ito nakikita.
ano ang pananampalataya? brainly.ph/question/4460105
#LETSSTUDY