👤

batay sa iyong nabasa masasabi mo bang may impluwensya na ang mga mitolohiya ng mga taga rome

Sagot :

Answer:

Mitolohiya:

Ang mitolohiya ay may impluwensya sa kapwa mga taga - Roma at sa mga Pilipino.

Dahil sa mitolohiya, mas naunawaan ng mga taga - Roma ang kahalagahan ng moralidad sapagkat ang karamihan ng kanilang mito ay tumatalakay sa politika, pag - ibig sa bayan, at sa kapwa. Binibigyang halaga din ng mitolohiyang Roman ang kahalagahan ng mga ritwal at paniniwala sa Diyos maging sa mga elementong supernatural. Ang ilan sa mga ito ay hinango nila sa mitolohiyang Griyego sapagkat nagkaroon sila ng mas matibay na paniniwala sa mg Diyos at Diyosa. Binigyan nila ito ng ibang bihis at pangalan at itinuring na sarili nilang mga Diyos at Diyosa.

Sa kabilang dako, ang mga Pilipino ay higit na naqniwala sa mga anito, santo, at mga katulad nito bunga ng mga kwentong hatid ng mitolohiya. Kung ang ilan ay nagkaroon ng hiigt na paniniwala sa Diyos, ang ilan naman ay natakot bunga ng kabatiran ukol sa mga kakaibang nilalang, pagkagunaw ng daigdig, at kakaibang pangyayari. Nagkaroon din sila ng kaalaman ukol sa mga tradisyon noong unang panahon at naiugnay nila ang mga pangyayaring pangkalikasan sa kanilang pamumuhay at sa kaganapan sa kasalukuyan. Hindi man lubos na tumanim sa kanila ang pananampalataya, nagkaroon pa rin sila ng paniniwala sa Diyos.

Explanation: