Sagot :
Mga Basura sa Pilipinas
Biodegradable
Ayon sa pinakahuling report ng National Solid Waste Management na nailathala noong 2015, ang biodegradable waste ang pinakamalaking uri ng itinapong basura sa bansa. Tinatayang umabot sa 52.31% na biodegradable waste ang nakolekta noong 2015.
Ang mga biodegradable waste o mga nabubulok na basura ay kalimitang nakukuha sa mga palengke at mga bahay. Narito ang mga halimbawa ng mga biodegradable waste o mga
nabubulok na basura:
•Prutas
•Gulay
•Karne
•Itlog
•Gatas
•Dahon ng puno
•Sanga ng puno
•Halaman