👤

Don't waste my points





Nonsense#report or delete
Sagutan nyo ng maayus wag kayung bastos. ​


Dont Waste My PointsNonsensereport Or Delete Sagutan Nyo Ng Maayus Wag Kayung Bastos class=

Sagot :

Unang Senaryo

( Nag-away ang magkapatid)

Nanay : (kumatok sa pintuan ng bunsong anak) Jade? Pwede ba kitang kausapin, anak? May dala akong paborito mong snack.

Jade : (nagpunas ng luha) Bukas po 'yan ma.

Nanay : (Binuksan ang pinto at sumilip muna bago tuluyang pumasok sa kwarto ng anak. Lumapit at ipinatong sa desk ang pagkaing dala. Umupo sa kama at tinabihan ang anak.) Ayos ka lang?

Jade : Opo ma.

Nanay : Tungkol sa nangyari kanina, pwede ko bang malaman kung bakit kayo nag-away ng ate mo?

Jade : (Nagkamit ng ulo) Eh kasi po, 'yung tinabi kong donut na para sakin, kinain niya. Eh alam niya naman po na minsan lang ako makakain nun.

Nanay : Naiintindihan ko kung bakit ka naiinis, anak. Gusto mo ba puntahan natin ang ate mo at itanong natin sa kanya kung bakit niya kinain yung donut ?

Jade : eh...

Nanay : Sige na, para malaman natin kung bakit. Para magkaayos na rin kayo.

(Walang nagawa si Jade kundi sumunod sa nanay niya. Lumabas sila ng kwarto at tumango sa kwarto ng panganay na anak. Kumatok sa pinto. Agad binuksan ng panganay.)

Ruby (panganay/ate) : Ma? Bakit po?

Nanay : Pwede ba kaming pumasok? (Sumilip sa loob ng kwarto)

Ruby : Ah eh, oo naman po.

Nanay : (Lumingon kay Jade at tinanguan) Ruby, anak. Pwede ba kitang kausapin?

Ruby : (Kinakabahan) Opo...

Nanay : (Lumapit kay Ruby at tinignan ng marahan) Anak, Bakit mo naman kinain ang pagkain ng kapatid mo? Bakit mo ginawa 'yun?

Ruby : (Lumingon ng sandali sa kapatid) Ma, hindi ko naman po sinasadya. Napagod lang po ako tapos gutom kasi po maghapon po kami nag-praktis sa dance troupe tapos nakalimutan ko po ung baon ko... Sorry po...

Nanay : (Tinignan ang anak ng may malungkot na ngiti) Ganu'n ba? Bakit hindi mo agad sinabi sakin na gutom ka para ipagluto kita?

Ruby : Nakakahiya naman po sainyo, ma. Sorry po ulit.

Nanay : Nako wag ka sa'kin mag sorry , sa kapatid mo dapat. Paniguradong maiintindihan ka ni Jade at sana maintindihan mo rin siya. At! Sa susunod magsasabi ka sa'kin ha!

Ruby : Opo ma, magsasabi na ako sainyo sa susunod. (Lumingon kay Jade na nakatanaw sa bintana) Teka lang ma...

Nanay : Maiwan ko muna kayo. Jade! May gagawin lang ako, iwan ko muna kayo ng ate mo.

(Tumango si Jade. Lumapit si Ruby kay Jade at tumanaw rin sa bintana at pinagmasdan ang ulap)

Ruby : Jade, sorry. Alam kong nasaktan ka sa ginawa ko dahil alam mong alam ko ang sitwasyon mo pero-

(pinutol ni Jade ang pagsasalita ng kanyang ate)

Jade : Narinig ko ang pinag-usapan niyo ate. Ang lakas kaya ng boses niyo.

(Napangiti si Ruby sa inasal ng kapatid)

Jade : (Lumingon kay Ruby at ngumiti) Ayos lang ate. Pasensya ka na rin sa inasal ko kanina. Alam mo naman 'tong kapatid mo.

Ruby : (Yinakap ang kapatid ng mahigpit) Wala yun!

Jade : Aray! Di ako makahinga! Mama! Si ate oh!

(Samantalang sa ibaba ng bahay, sa kusina, nakangiti ang isang ina dahil napagtanto niyang napalaki niya ng maayos ang kanyang mga anak)

Nanay : Oh! Sandali lang mga anak!

______

Sinubukan ko lang ho.^_________^

(Pasensya na kung masyadong mahaba! hehe)