Sagot :
Answer:
Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay makakatulong na maging mas aktibo ang batang katulad mo. Ito ay hango mula sa Pyramid Guide. Ito ay binubuo ng mga gawaing pisikal (physical activity) na hinati sa apat na antas (levels) kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa rekomendadong dalas ng paggawa (frequency) ng iba’t ibang mga gawaing pisikal (physical activity). Ang gawaing pisikal ay tumutukoy sa anumang pagkilos ng katawan na nangangailangan ng enerhiya (energy). Ito ay gawaing pisikal na maaaring madali o hindi nangangailangan ng matinding buhos ng enerhiya tulad ng pagsusulat, pagbabasa, pagsisipilyo, at iba pa. Maaari ding may kahirapan o mas nangangailangan ito ng mas maraming buhos ng enerhiya gaya ng pagsayaw, pagtakbo,paglalaro ng basketball at iba pa.
Explanation:
hope it's help ❤️