👤

Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin kung nasa anong pokus ng pandiwa ang mga salitang nakasalungguhit sa bawat bilang. Isulat sa patlangang letrang "K" kung ang pandiwa ay nasa pokus kagamitan at "P" kung pinaglalaanan.

_____1. Ipinanakot ng kaniyang nanay ang maskara sa kaniyang makulit na anak.
_____2. llalapit ng simbahan ang relasyon ng tao sa Panginoon.
_____3. Ipinagkasundo ng kanilang mga magulang ang kanilang kasal sa takdang panahon.
_____4. Ipanggagamot ng matandang albularyo ang mga dahong ito sa sakit ng tiyan ng aking kapatid.
_____5. Ipinagkait sa kanilang dalawa ang masaya sanang kapalaran.
_____6. Sa halip na tabo ay ipinangsalok niya ang timba sa pagkuha ng tubig.
_____7. Ipinambayad ni Aling Martha ang kaniyang inipong pera upanh makawala na siya sa pagkakautang.
_____8. Ipagpapaliban muna niya ang pagpasok sa eskwelahan sa araw na ito.
_____9. Ipinagpalit ng babae ang kaniyang kasintahan sa isang mayamang negosyante.
_____10. Ipinanulat ni Rizal ang pakpak na panulat sa nobelang El Filibusterismo.

Salitang Nakasalungguhit:
1. Ipinanakot
2. Ilalapit
3. Ipinagkasundo
4. Ipanggagamot
5. Ipinagkait
6. Ipinangsalok
7. Ipinambayad
8. Ipagpapaliban
9. Ipinagpalit
10. Ipinanulat​