👤

____1. Naninirahan ang mga taga-T’boli sa isang rehiyong puno ng mga kabundukan at kagubatan. Mahihinuha na ang lugar nila ay….
A. Magubat at mapuno C. nasa tabing –dagat
B. Nasa lungsod D. nasa kapatagan ng palay
____2. Ang mga trabaho ng mga lalaking T’boli ay naging magsasaka, manlililok at mangingisda. Mahihinuha ang kanilang pamumuhay ay ………..
A. payak C. masagana
B. maunlad D. mayaman
.____3. Pangarap ni Kawili na maging mang-aawit ng kanilang tribo at maibahagi sa lahat ang kanyang tinig sa kapistahang idaraos. Mahihinuha na si Kawili ay isang …..
A. maybahay C. naghahabi ng abaka
B. musikero D. mananayaw
____4.”Lahat ng aking iniibig ay nandito, dito sa lupaing aking sinisinta” ang sabi ni kawili habang si Mandong ay tahimik na tumutugtog ng hegelung.” Mahihinuha na si Kawili ay…..
A. makatao C. makabayan
B. maka-diyos D.makalikasan
____5. Muling naalala ng lahat ang ganda at tradisyon na pinagmulan ng kanilang lahi. Nabagbag ang damdamin ng lahat at sabay nilang pinagdiwang ang pagtatapos ng kanilang ani at ang kanilang buong mang –aawit..Mahihinuha na ang mamamayan ay……
A. mapagmahal C. mayabang
B. mapagmalaki D. maalalahanin
____6. Akdang tuluyan na karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula at lumaganap.
A. maikling-kuwento C. nobela
B. pabula D. kuwentong –bayan
____7. Ang mga sumusunod ay pahayag na nagpapakikilala sa kuwentong-bayan, maliban sa isa?
A. Nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita
B. Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan nito.
C. May iisang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin na dapat lutasin.
D. Pagmamay-ari ito ng isang tao lamang.
____8. Sinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa:
A. kaugalian C. paniniwala
B. tradisyon D. tunggalian