Panuto: SAGUTIN NG TAMA O MALI.Isulat ang sagut bago ang numero. 1. Ayon naman kay Paul Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan 2. Ang kabutihang panlahat ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan 3. Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, batay sa Likas na Batas Moral. 4. Upang maging makatarungan ang isang lipunan, hindi kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan 5. Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. 6. Ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. 7. Ang bawat indibidwal ay hindi nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan 8. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin ay isa sa mga hadlang sa kabutihang panlahat. 9. Mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw. 10. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba ay hadlang sa kabutihang panlahat.​