Sagot :
Paghahambing
Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng bagay, hayop, ideya, pangyayari, at tao. Ang layunin nito ay magbigay ng malinaw na paglalahad ukol sa pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bagay na inihahambing.
Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng paghahambing, basahin ang link na ito: brainly.ph/question/127791
Dalawang Uri ng Paghahambing:
- Magkatulad
- Di - Magkatulad
Ang paghahambing na magkatulad ay ginagamit sa tuwing ang inihahambing ay may parehong antas o katangian. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang kasing, sing, kapwa, at magkapareho.
5 halimbawa:
- Ang buhok ni Ana ay kasing haba ng buhok ni Elsa.
2.Ang magpinsang sina Amado at Alfredo ay kapwa mahilig maglaro ng basketball.
3.Magkasing edad ang magkaklaseng sina Jaime at Juliana.
4.Magkapareho ang gusali na pinagtatrabahuhan nina Amanda at Sophia.
5.Ang mga bansang Thailand at Singapore ay kapwa kabilang sa mga bansang makikita sa Asya.
Ang paghahambing na di - magkatulad ay ginagamit sa tuwing ang inihahambing ay may magkaibang antas o katangian.
Dalawang Uri ng Di - Magkatulad na Paghahambing:
- pasahol
- palamang
Ang paghahambing na pasahol ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na ginagamit kapag ang inihahambing ay mas maliit kaysa sa pinaghahambingan. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang lalo, di - gaano, di - gasino, di - lubha, at di - totoo.
Ang paghahambing na palamang ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na ginagamit kapag ang inihahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang di - hamak, higit, at labis.
5 halimbawa:
1.Di - hamak na magagaling mag - Ingles ang mga Pilipino kaysa sa mga Amerikano.
2.Higit na maunlad ang bansang China kaysa sa India.
3.Di - totoong mahirap ang Matematika kaysa sa Siyensya.
4.Labis ang pagiging malambing ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
5.Lubhang nakalilibang ang panonood ng sine kaysa sa pakikinig ng musika.
Upang matuto nang higit pa ukol sa mga uri ng paghahambing basahin ang mga sumusunod na links:
brainly.ph/question/89662
brainly.ph/question/120661