2. Pangngalang tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari Nagsisimula ito sa malaking titik a. lansakan b. pambalana c. tahas d. pantangi
3. Pangngalang pambalanang tumutukoy sa kaisipan o konsepto. Wala itong pisikal na pisikal na katangian kaya't hindi nakikita at nahahawakan a. basal b. pambalana c. lansakan d. tahas
4. Ito ay pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik, a. pambalana b. pantangi c. basal d. lansakan
5. Pangngalang nangangahulugan ng dami o kalipunan ng marami a. tahas b. basal c. lansakan d. pambalana
6. Maglaro, kumanta at magliwaliw ang hilig gawin ni Tipaklong araw-araw. Anong uri ng pangngalang pambalana ang nakasalungguhit? a. tahas b. basal c. pantangi d. lansakan
7. Tukuyin ang pantangi sa pangungusap na ito. Mahilig kumain ng tsokolate si Elena a. kumain b. mahilig c. Elena d. tsokolate
8. Kailan pwedeng ipakita ang pagiging totoong kaibigan? a. kapag may nakakakita b. kapag binibigyan ng pagkain c. sa tamang lugar d. sa lahat ng oras
9. Habang ikaw ay naglalakad, may nakita kang batang nadapa. Ano ang gagawin mo? a. hahayaan ko siya dahil hindi ko siya kaibigan b. tatawagin ko ang nanay niya c. tutulungan ko siya d. pagtawanan
10. Tutulong ka ba sa isang kaibigang lalapit lang kapag may kailangan? a. Oo, dahil kami ay magkaibigan at nagtutulungan sa panahon ng kagipitan. b. Hindi, dahil siya ay tamad c. Oo, dahil baka makatulong rin siya sa akin pagdating ng panahon d. Oo, dahil kilala ko siya