1. Ito'y tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao, isa itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao laban sa kaniyang sarili.
2. Ito'y tumutukoy sa mga pangyayaring nakapupukaw sa iba't ibang uri ng emosyon ng tao: inggit, poot, simpatiya at iba pa.
3. Tinatalakay dito 'di lang ang buhay pag-ibig ng isang tao kundi ang pakikipagsalaparan din ng mga ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona Mahilum sa kaniyang kapatid sa nasusunog nilang bahay.
4. Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng isang balita tulad ng pagpapatayo ng bagong gusali, pamilihang bayan, at iba pa.
5. Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng pagkapasa sa board exam.
6. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng bagyo, baha at ibang pang karaniwang balita na ang paksa ay kalamidad.
7. Balita tungkol sa mga hayop tulad ng bagong diskubreng specie ng ibon sa Pilipinas.
8. Mga balitang sangkot ang numero tulad ng bilang ng mga boto sa halalan, bilang mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, at iba pa.
