BALIKAN Naaalala mo ba kung ano ang pangngalan at panghalip? GAWAIN 1. Basahing mabuti ang teksto sa ibaba. Isulat sa talahanayan ang mga ginamit na pangngalan at panghalip. Bag ko, Katulong ko! ni Maria Magdalena C. Balao Ako ay nasa ikalimang baitang sa elementarya. Piltok ang ipinangalan sa akin ng aking mga magulang. Ang aming paaralan ay medyo malapit lang sa aming bahay ngunit kailangan kong maglakad ng dalawang kilometro para ito ay aking marating. Sa aking pagpasok kailangang dala-dala ko ang lahat ng kinakailangan sa loob ng paaralan gaya ng lapis, bolpen, papel, kwaderno, libro at iba pa. Kailangan ko ring dalhin ang aking meryenda at tanghalian. Hindi ko naman maaaring iwan ang mga ito sa silid-aralan dahil kailangan ko ang mga ito sa pagbabalik-aral ko ng mga natapos na aralin. Gayundin din naman ang aking baunan. Buti na lang hindi ako iniiwan ng aking katulong. Napakatibay nito at matagal na rin ito sa akin. Ito ang aking pinakamamahal na bag. Halos kasinlaki ko ito pero kayang-kaya kong buhatin dahil dinadala nito ang aking mga gamit. Sabi nga ni Bb. Bee, kapag dala-dala ko ang bag ko ay hindi na raw niya ako makita. Ganito rin ang sinasabi ng aking mga kamag-aral at kaibigan. Kapag umuuwi naman ako, nasasalubong ko si Mang Amboy at ang kaniyang alagang aso pati na rin ang napakaliit niyang pusa. Lagi silang naglalakad tuwing hapon lalo na kapag Buwan ng Nutrisyon. Sabi ni Mang Amboy napalakas ko daw na bata dahil nabubuhat ko ang aking malaking bag. Nakakatuwa di ba? Para sa akin walang mabigat na bag kung ito ang aking katulong sa pagtatapos ko ng aking pag-aaral. Pangngalan Panghalip Sa natapos na Gawain, naalala mo na ba kung ano ang pangngalan at panghalip?