👤

1 Subukin Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng iyong napiling tamang sagot. ekonomiya? 1. Bawat lipunan ay may sinusunod na Sistemang Pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at sebisyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Sistemang Pang- A. Ito ay kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko B. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin c. Organisadong paraan ng pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko D. Ito ay nagpapahintulot ng pribadong pagmamay-ari sa ekonomiya 2. Mayroong apat na Sistemang Pang-ekonomiko na umiiral sa buong daigdig. Ito ay ang Traditonal Economy, Market Economy, Command Economy at Mixed Economy. Ito ang mga batayan ng pagpapatakbo ng ekonomiya ng mga bansa upang maisulong ang kaunlaran. Alin dito ang kontrolado ng pamahalaan at alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan ng sentralisadong ahensiya? A. Traditopnal Economy C. Mixed Economy B. Market Economy D. Command Economy ty 3. Noong unang panahon ang Pilipinas at India ay iilang halimbawa ng mga bansang sumailalim sa Traditional Economy dahil sa kawalan ng teknolohiya at taos pusong pagsunod ng kultura, tradisyon at paniniwala. Aling pahayag ang sumusuporta dito? A. Mayayaman ang Pilipinas at India kaya walang dapat ikabahalaga sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga mamamayan B. Ang tao ay kumikita sa pamamagitan ng pagtugon sa pangunahing pangangailangan nito C. Mangmang ang mga mamamayan dito at malabong makaahon pa sila sa kanilang kahirapang kinalugmukan D. Tamad ang mga tao sa mga bansang ito dahil wala silang mahanap na matinong trabaho upang umunlad sa buhay​