👤

mahahalagang bagay tungkol kay adam smith?

Sagot :

Answer:

Adam Smith was an 18th-century Scottish economist, philosopher, and author, and is considered the father of modern economics. Smith is most famous for his 1776 book, "The Wealth of Nations."

Explanation:

Hope it helps.

#CarryOnLearning

#YouCanDoIt

#NeverGiveUp

Answer:

Masasabi na nagsimula ang sistematiko at siyentipikong pag-aaral ng ekonomiks noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Isa sa pinakakilalang aklat na nakilala noong 1776 ang aklat na 'An Inquiry to the Causes and Nature of Wealth of Nation' ni Adam Smith.

Si Adam Smith (1723-1790) ay isang pilosopo at propesor ng Ekonomiks mula sa Scotland. Itinuturing si Smith na "Ama ng Klasikong Ekonomiks" dahil sa kaniyang pangunguna na ipaliwanag ang mga prinsipyo ng ekonomiya at ang daan tungkol sa pag-unlad ng isang bansa.

Layunin ni Adam Smith na malaman ang sanhi ng pagyaman at paghihirap ng mga bansa. Ayon sa kanya maaaring yumaman ang isang bansa kung;makapaglalaan ito ng sapat na puhunan; tumataas ang produktibidad ng paggawa.

Naunawaan niya na ang pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng espesyalisasyon o paghahati ng gawain ay magdudulot ng pagtaas ng produksiyon ng isang ekonomiya.

Iminungkahi ni Smith na di-dapat makialam ang pamahalaan sa pakikipagkalakalan at hayaan ang

mga tao na magpasiya kung ano ang tunay na makakabuti sa kanila at sa buong bansa. Ito ang konsepto ng free enterprise.

Ipinaliwanag pa ni Smith na ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan sa pagitan ng mga negosyante at mamimili ay makakabutisa pangkabuong kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.

Ayon kay Smith, maaaring makialam ang pamahalaan upang ayusin lamang ang mga sistema ng pakikipagkalakalan at alisin ang anumang hadlang sa malayang kompetisyon sa pagitan ng mga mga tao sa pamilihan. Nagpahayag ng doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy.